My Kwentong Bus no. 1
"Oh my gosh, ano ba 'to 4:30am na hindi pa ako nakasakay. Male-leyt na ako!"
"Lintik oh walang Bus.."
"Cubao. Ok, no choice, akyat na!"
"Yun, may upuan pa.." Alam mo yung sasakay ka sa Bus tapos yung tao sa unahan mo eh ma-feeling lang na ginawa nyang kama yung Bus? Hanep ha, P201.00 lang ang pamasahe pero sya, parang nagbayad ng P700.00 pang deluxe trip.
"Excuse me, pwede po bang paki ayos yung upuan nyo? Hindi ako kasya eh." Ang ginaw pero uminit ang ulo ko dahil kay Kuya. Natakot yata, biglang ayos naman nya kahit na kagigising at lango-lango pa. Winner nanaman ang kasungitan style ko. Yehey!
"Ayos 'to, redi na para matulog." Sa isip ko, "Uy, teka.. kilala ko 'tong katabi ko ah.." Agad lingon naman ang katabi kong mukhang hindi magkamayaw sa pangangalkal ng bag. Ako, dedma na parang tagos lang ang tingin. Inhale, exhale.. "So sya nga pala ito.. buhay oh, sa dinami-dami ng makakasakay bakit sya pa? At sa dami ng upuan, bakit dito pa? Peste!" Eh sino nga ba sya? Sya lang naman yung taong... Ok sige, isa sa mga taong "na-bully" ko anim na taon na ang nakalipas. Sino ba naman kasi ang hindi mangbubully sa ginawa nya. Hindi nya ako kilala.. ginugulo nya ang skedyul ko para lang i-take ang mga lab exercise na alam ko naman na ginawa ko na. Sa madaling sabi, isa sya sa mga taong pwedeng nabwisit saaken noong nasa kolehiyo palang, at kung bakit? Hindi ko rin alam.
Aha, at mukhang nagulat sya, at mukhang nagtatanong ang mga mata nya, "Sya na nga kaya ito." Sumagot ako sa isip ko, "Pwedeng ako na nga ito.. matangkad parin, nakasalamin na, hindi na long and curl hair, at higit sa lahat, gradweyt na. At ikaw na nga ang asungot na madalas umupo sa unahan ko sa tuwing magsisimba ako. At ang taong madalas akong simangutan na parang hindi ko binayaran ang pagkakautang ko sayo." Hahaha! Natawa naman ako habang iniisip ko yun. Nangiti tuloy ako. Matagal na panahon na nga, pero mukha parin syang asar saakin. Ok, asar din ako sakanya.
Tulog na dahil alasdyis na ako nakatulog at nagising ng alasdos.
"Ang lamig naman yata ng hangin.. parang gumagapang at tumatagos sa makapal kong stockings." Napamulagat nalang at gusto kong mapamura. Itinapat pala nya saaken ang aircon! Sya sige, ok lang.. maswerte sya dahil sya yung nasa bintana. Wala na akong magagawa kundi tiisin ang ginaw. Makalipas ang 30mins., nagising ako.. Aba, ang galing-galing naman nya...may unan na nga sya, eh gusto nya pang gawing unan yung balikat ko. Todo layo naman ako, at sa totoo lang hindi ko na matiis ang ginaw. Hindi ako nakatulog.
Ganun pa man, sinikap ko talagang pumikit at matulog dahil masakit na yung ulo ko. Nakatulog naman ng konti, pero pagkalagpas ng Dau akala ko nasiraan yung Bus na sinasakyan ko.
"Ano ba yung ang ingay?! Grabe ah!" Dedma lang sana..Kaso tuloy-tuloy ang ingay na parang may katabi ako kuliglig!" Nagising na nga ng tuluyan.. Aba! Naghihilik pala sya... Napakamot nalang ako ng ulo dahil sobra talaga yung ingay ng hilik nya. Ang masama, saaken pa sya nakaharap habang naghihilik. Feel na feel nya ang pagdikit nya sa braso ko habang gulantang na gulantang ako sa ingay nya. Kaya ito ang bagay sakanya.. ang bonggang stolen shot! Haha.. ayos, nakaganti rin ako.
Bababa daw sya sa GMA, kamuning na tulog parin sya. Pag gising nya akala mo nilindol sa pagmamadali. Lilinga-linga na kunwari malayo ang tingin, pero halata namang tinitignan lang nya kung tulog pa ako. Tulog naman talaga ako, kuno. Tuluyan na nga syang bababa at ngayon ko lang narealized, mabait naman pala sya. Ang bait ng pagkakasabi nya ng, "Excuse me.." yun tipong hindi sya yung taong magsasabi ng ganun kalumanay. Pero akala ko lang pala ang lahat. Ang ganti nya sa stolen shot ko ay ang bonggang pagtapak nya sa paa kong nagpapagaling palang sa pagkatapilok.
Ang numero uno sa mga kwentong Bus ko. Magsimba na sya at ipanalangin na hindi kami ulit magsabay. Lintik lang ang walang ganti. Hahaha!
Jan. 28, 2013